Barayti Ng Wika – isang mahalagang bagay sa ibat-ibang sektor
Ang paggamit ng mga magagandang salita ang nagbibigay ng galak, kulay, pag-ibig at kapayapaan sa buong sanlibutan.
Napakalaki ng papel na ginagampanan ng wika sa anumang larangan ng kabuhayan at katauhan ng bawat indibidwal. Mula sa mga musmos na kaisipan ang wika ang humubog at ginamit upang gabayan ang henerasyon ng mga kabataan. |
Hindi mo maloloko ang sarili mo. Isa kang pilipino kahit na ano pa ang gawin mo. Kaya kung ako sayo, tanggapin mo nalang ang kapalaran mo.
|
Maraming mga halimbawa ng barayti ng wika, sa hangarin na ma-iangat ang kabuhayan at magkaroon ng mapagkakakitaan, ang wika pa rin ang gamit na sandata. Ang pagiging matatas sa paggamit ng anumang uri ng wika ay napakahalaga sa sektor ng paggagawa.
Upang maihatid ng mga mamamahayag ang mga balita at kaganapan sa saan mang panig ng mundo, tayo rin ay gumagamit ng wika. Ipinapahayag ng mga tao ang kanilang mga saloobin sa radyo, telebisyon, pahayagan at maging sa social media. Wika rin ang ginagamit sa paglimbag ng anumang uri ng mga babasahin sa libro, magasin at mga eBook.

Gamit ng wika sa sining at musika
Bukod pa sa mga nabangit sa taas, ang wika ang nagbibigay ng buhay sa saliw ng mga musika na binubuo ng mga kompositor. Ang liriko ng mga kanta ang naghahawi ng lumbay at lungkot lalo sa mga pusong mayroong dinaramdam at pinagdadaanan sa buhay.
Maging sa larangan ng pinilakang tabing, wika ang ginagamit ng mga alagad ng sining para makapaghatid ng aliw at kurot sa puso sa bawat manunuod. Ang wika rin ang gamit upang maiparating ang mga kubling aral na nais ipahiwatig ng pelikula.

Mga iba pang gamit ng ating wika
Ang wika ay hindi lamang ginagamit na pangkomunikasyon sa kapwa tao, maging sa mga alagang hayop ito rin ang ginagamit upang maturuan ang mga alagang aso, pusa at iba pa.
Ang wika ay hindi lamang mahalagang pamana mula sa mga ninuno, bagkus ito ay isang napakagandang regalo mula sa Maylikha. Ito rin ay kasing halaga ng hangin, tubig at pagkain sa buhay ng tao. Ang mundo na walang wika kailanman ay hindi magkakaroon ng kapayapaan at kalayaan.
Tunay nga na napakahalaga at napakalaki ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng sangkatauhan. Nararapat lamang na ito ay pangalagaan, patuloy na saliksikin at paunlarin lalo na ang mga wikang katutubo at wikang Pambansa.

Grade 8 Ng Mapulang Lupa National High School - Manila - Philippines |
Group Members |
Magandang araw! Kami po ang team mansanas! Eto po ay proyekto namin para kay Maam Zaragoza ng section A, Grade 8 of Mapulang Lupa National High School. Pasensya po medyo nahuli kami sa pag pasa, si team leader kasi namin puro panliligaw ang inaatupag haha
|
Eto ay para sa project namin sa Filipino subject ni Maam Beatrice Zaragoza. Apat po kami sa grupo:
Marlon Roxas - Team Leader Gabby Corona - Assistant To The Leader Gilbert Domingo - Asistant To The Leader Helen Zabala - Member |
Sources:
Ang mga sumusunod ay listahan ng mga websites na aming kinuhaan ng inspirasyon at impormasyon tungkol sa paksa na ito. Sana ay makatulong din ito sa inyo:
1.) Wikipedia.org
2.) Ched.gov.ph (Commission On Higher Education)
3.) TakdangAralin.ph
4.) Rappler.com
5.) Deped.gov.ph
1.) Wikipedia.org
2.) Ched.gov.ph (Commission On Higher Education)
3.) TakdangAralin.ph
4.) Rappler.com
5.) Deped.gov.ph